Sunday, May 19, 2013

IKAW NA NAGHIHINTAY

tinaya ko na ang aking katawan - masaktan
alam kong may patutunguhan - hindi nga
lang sigurado ang kalalabasan
mahigpit parin akong kumakapit
kahit masakit
mahirap na kasing pangunahan ng takot,
talo ka kung mangyari
ang mga piling naghihintay lamang
ang nabibigyan ng pagkakataon
para maging masaya
'wag sana tayo bigkisin
ng pagkaduwag
para magpalamon sa grabedad
na animo'y hamog na
unti-unting nilulusaw
ng liwanag sa umaga
hindi naman nawawala ang pag-ibig,
nababawasan lang
silang mga mangingibig na naghihintay
sa kapwa nila mangingibig
walang panganib sa pangakong binitawan
sasabihin ko muli, maniwala ka
magtiwala ka

No comments:

Post a Comment