Q. Kayo ba ay komunista?
Q. Kung hindi kayo komunista, bakit hindi ninyo tinutuligsa ang CPP-NPA-NDF?
Q: Bakit masyado ninyong binibigyan ng pansin ang mga paglabag sa karapatang pantao ng pwersa ng gobyerno?
Q: Totoo po ba na ang inyong ‘Pork barrel’ ay ginagamit upang pondohan ang NPA?
Q: Ang Bayan Muna po ba ay pinopondohan ng China? Bakit hindi ninyo tinutuligsa ang panghihimasok ng China sa Philippine shores?
Q: Bakit lagi ninyong tinutuligsa ang gobyerno? Bakit laging ang negatibo ang inyong napupuna? Bakit hindi ninyo bigyan pansin ang mga mabubuting bagay na nagawa ng gobyerno?
Q: Sabi ng iba, puro lamang kayo satsat at ang kaya niyo lang gawin ay magrali. Ano po ba ang mga bagay na nagawa niyo na at ng Bayan Muna para tulungan ang ating mga kababayan?
Q: Mahirap po ba talaga kayo? Di po pa kayo ay galing sa mayaman at may lupaing pamilya?
Q: Ano ang palagay ninyo sa gobyerno ni P-Noy?
Q: Bakit ka namin dapat iboto bilang senador?
—————————————————————————
Q. Kayo ba ay komunista?
Teddy: Hindi po ako komunista. Hindi ako bahagi ng armadong pakikibaka at hindi ko rin ito itinataguyod.
Q. Kung hindi kayo komunista, bakit hindi ninyo tinutuligsa ang CPP-NPA-NDF?
Teddy: Kahit hindi ko itinataguyod ang armadong pakikibaka, kinikilala ko na ang tunggalian na nagmumula sa matagal nang hinaing ng mamamayan ay hindi maayos na nabibigyan ng seryosong solusyon ng mga nagdaan at kasalukuyang pamahalaan. Ang simpleng pagkondena sa CPP-NPA-NDF bilang kriminal at terorista ay katumbas ng pagsawalang-kibo sa rebolusyonaryong katangian ng ng nasabing kilusan at pagsawalang-bahala sa mga lehitimo nilang kahililingan.
Q: Bakit masyado ninyong binibigyan ng pansin ang mga paglabag sa karapatang pantao ng pwersa ng gobyerno?
Teddy: Batay sa ulat ng human rights groups, ang militar at pulisya ang may malawakang paglabag sa karapatang-pantao.
Q: Totoo po ba na ang inyong ‘Pork barrel’ ay ginagamit upang pondohan ang NPA?
Teddy: Hindi po. Sinisiguro po namin sa mamamayan na ang PDAF allocation ng Bayan Muna ay nagagamit para sa benepisyo ng sambayanan sa porma ng sebisyong pangkalusugan, iskolarsyip, socio-civic projects tulad ng pagpapailaw at pagpapatubig sa mga baryo at pagpapatayo ng mga pasilidad para sa serbisyong panlipunan.
Q: Ang Bayan Muna po ba ay pinopondohan ng China? Bakit hindi ninyo tinutuligsa ang panghihimasok ng China sa Philippine shores?
Teddy: Wala kahit isang kusing na natatanggap ang Bayan Muna mula sa China o alinmang bansa o grupo.
Teddy: Bilang representante ng mga mahihirap, responsibilidad ko na ilantad at labanan ang alinmang tangka o aksyon, kasama ang mga polisiya ng gobyerno na naglalagay sa peligro ng interes ng mamamayan. Sa aking mga hakbang para labanan ang korapsyon, pang aabuso ng gobyerno, kawalan ng kakayahan, inhustisyang panlipunan at paglabag sa karapatang pantao, kailangan kong maturol kung ano ang mga mali para alam natin kung papaano natin ito maitatama.
Teddy: Ang karapatan sa malayang pagpapahayag at pagtitipon-tipon ay tampok sa alinmang demokrasya. Dahil dito, naipapahayag natin ang ating mga hinanaing at nanghahamon sa gobyerno para umaksyon para sa interes ng mamamayan. Walang mali rito at tinitingnan ko ito bilang obligasyon para magsalita at makilahok sa mga rali at demonstrasyon para isulong ang tama at mabuti.
Q: Mahirap po ba talaga kayo? Di po pa kayo ay galing sa mayaman at may lupaing pamilya?
Teddy: Para sa kaalaman ng lahat, ako po ang pangatlo sa pinakamahirap na kongresista at meron lamang net worth na P232,000.00. Maaring hindi ako mahirap pero hindi po ako mayaman.
Teddy: Ang gobyerno ni Aquino ay binubuo ng mga parehas na uri ng mga taong namumuno na sa bansa sa loob ng ilang dekada. Ang mga pangalan at mukha ay maaring nagbago, pero ang mga pansariling interes ay nanatili. Isipin niyo, ito rin ang mga pangalan na nakita na natin noon.
Teddy: Dahil kailangan natin ng bagong boses at bagong kinatawan sa Senado.
Ang Senado ay bihag ng iilang pamilya na nasa pulitika at interes nila sa ekonomiya, at namamayagpag ito ilang dekada na ang nakakalipas. Kailangan natin ng mga bagong lider na nakikipaglaban at kaisa ng mamamayan na nakikibaka para sa iisang hangarin na makamit ang mga reporma sa ekonomiya at lipunan. Lumalaban na hindi nakatali sa pagtataguyod ng korap na sistema sa pulitika. Repormista na hindi mabibili o bibigay para ikompromiso ang panawagan ng mamamayan para sa mabababang presyo ng langis at singil sa kuryente, seguridad sa trabaho at mataas na kita, mas mabuting pamamahala at iba pa.
Ito ang aking mga ginagawa sa loob ng 23 taon ng aking buhay- 15 taon sa pakikibakang masa sa lansangan at 8 taon sa kongreso- para sa narararapat na pagbabago sa lipunan na matagal na nating inaasam.
Panahon na para sa pagbabago sa Senado. Simulan natin, ngayon na!
Q. Kung hindi kayo komunista, bakit hindi ninyo tinutuligsa ang CPP-NPA-NDF?
Q: Bakit masyado ninyong binibigyan ng pansin ang mga paglabag sa karapatang pantao ng pwersa ng gobyerno?
Q: Totoo po ba na ang inyong ‘Pork barrel’ ay ginagamit upang pondohan ang NPA?
Q: Ang Bayan Muna po ba ay pinopondohan ng China? Bakit hindi ninyo tinutuligsa ang panghihimasok ng China sa Philippine shores?
Q: Bakit lagi ninyong tinutuligsa ang gobyerno? Bakit laging ang negatibo ang inyong napupuna? Bakit hindi ninyo bigyan pansin ang mga mabubuting bagay na nagawa ng gobyerno?
Q: Sabi ng iba, puro lamang kayo satsat at ang kaya niyo lang gawin ay magrali. Ano po ba ang mga bagay na nagawa niyo na at ng Bayan Muna para tulungan ang ating mga kababayan?
Q: Mahirap po ba talaga kayo? Di po pa kayo ay galing sa mayaman at may lupaing pamilya?
Q: Ano ang palagay ninyo sa gobyerno ni P-Noy?
Q: Bakit ka namin dapat iboto bilang senador?
—————————————————————————
Q. Kayo ba ay komunista?
Teddy: Hindi po ako komunista. Hindi ako bahagi ng armadong pakikibaka at hindi ko rin ito itinataguyod.
Ako po ay aktibista, makabayan at nagnanais ng pambansang
kalayaan. Noong ako ay estudyante pa lamang, aktibo na akong nakikilahok
sa iba’t-ibang hakbang sa pagsugpo sa ugat ng armadong tunggalian-
kahirapan, pagsasamantala, opresyon, sistematikong korapsyon, bigong
sistemang- hustisya at pangkalahatang kakulangan ng oportunidad at tunay
na pag-unlad ng ating bansa.
Hanggang sa ngayon, pinili kong sumuong sa sistemang pampulitika ng
bansa upang itulak ang matinding pangangailangang reporma sa lipunan,
ekonomiya at pulitika sa lahat ng antas- mula sa mga lokal na komunidad
hanggang sa Kongreso.Q. Kung hindi kayo komunista, bakit hindi ninyo tinutuligsa ang CPP-NPA-NDF?
Teddy: Kahit hindi ko itinataguyod ang armadong pakikibaka, kinikilala ko na ang tunggalian na nagmumula sa matagal nang hinaing ng mamamayan ay hindi maayos na nabibigyan ng seryosong solusyon ng mga nagdaan at kasalukuyang pamahalaan. Ang simpleng pagkondena sa CPP-NPA-NDF bilang kriminal at terorista ay katumbas ng pagsawalang-kibo sa rebolusyonaryong katangian ng ng nasabing kilusan at pagsawalang-bahala sa mga lehitimo nilang kahililingan.
Mas pipiliin ko ang mas konstruktibong diyalogo, lalo na
ang negosasyong pangkapayapaan, na sa kabila ng mga kahinaan nito,
nananatiling natatanging paraan para mapayapang resolbahin ang armadong
tunggalian.
Hinggil naman sa sinasabi nilang kalupitan, ang CPP-NPA-NDF ay
nangangakong sumunod sa international human rights humanitarian law
standards at conventions. At kung meron mang napatunayang mga paglabag
dito, sila ay may pananagutan at hihilingin ko ang nauukol na pagwawasto
mula sa kanila.Q: Bakit masyado ninyong binibigyan ng pansin ang mga paglabag sa karapatang pantao ng pwersa ng gobyerno?
Teddy: Batay sa ulat ng human rights groups, ang militar at pulisya ang may malawakang paglabag sa karapatang-pantao.
Ayon sa Committee to Protect Journalists (CPJ), isang New
York based media watchdog, 71% sa mga pinaghihinalaang “source of fire”
sa mga kasong pamamaslang sa mga mamamahayag ay mga opisyales ng
gobyerno o kaya ay mga elemento ng estado. Ang mga biktima ay kilala
ding may ginagawang imbestigasyon o kaya ay kritiko ng mga opisyal na
sangkot sa mga kasong korapsyon sa kanilang mga lokalidad. Batay naman
sa ulat ng Human Rights Watch, itinuturo nitong may malakas na ebidensya
ng pakikisangkot ng militar sa mga kasong pamamaslang, dagdag pa ang
pagkabigo ng gobyerno na isakdal ang mga suspek. Sa ilalim ng gobyerno
ni Aquino, naitala ng human rights group Karapatan ang 99 na kasong
extrajudicial killings, 216 kaso ng illegal na pag-aresto at 67 kaso ng
torture.
Kapag may paglabag sa batas ang mga sinasabing mga rebelde at
kriminal, ang buong makinarya ng estado ay may kakayahang maghabol sa
mga ito, pero kapag ang mga opisyal ng gobyerno, militar at pulisya ang
ang sangkot sa krimen, ang kanilang mga biktima ay walang matatakbuhan.
Kaya naka pokus kami sa mga mandarahas na hindi naiimbestigahan, hindi
nasasakdal at hindi napaparusahan sa mga nagawang pagmamalabis. Iyan
naman po ay aming tungkulin bilang representante ng mga mahihirap.Q: Totoo po ba na ang inyong ‘Pork barrel’ ay ginagamit upang pondohan ang NPA?
Teddy: Hindi po. Sinisiguro po namin sa mamamayan na ang PDAF allocation ng Bayan Muna ay nagagamit para sa benepisyo ng sambayanan sa porma ng sebisyong pangkalusugan, iskolarsyip, socio-civic projects tulad ng pagpapailaw at pagpapatubig sa mga baryo at pagpapatayo ng mga pasilidad para sa serbisyong panlipunan.
Para naman sa kaalaman ng lahat, ang Priority Development
Assisstance Funds (PDAF) ay deretsong napupunta sa proyekto ng gobyerno
na ipinapatupad ng iba’t-ibang ahensya ng lokal na sangay ng gobyerno.
Sinusunod po naming maiigi ang lahat ng government disbursement and
accounting procedures, kasabay ng pakikipagtulungan sa mga NGO’s at mga
organisasyon ng mamamayan para masigurado na ang nasabing pondo ay
nailalaan ng tama at natutuos ng mabuti. Wala kahit na isang kaso ng
korapsyon na kinasangkutan ang mga proyekto ng Bayan Muna.
Maari ninyong tingnan sa DBM website ang thorough accounting ng aming PDAF at kung saan ito ginagastos (http://reports.dbm.gov.ph/pdaf.php).Q: Ang Bayan Muna po ba ay pinopondohan ng China? Bakit hindi ninyo tinutuligsa ang panghihimasok ng China sa Philippine shores?
Teddy: Wala kahit isang kusing na natatanggap ang Bayan Muna mula sa China o alinmang bansa o grupo.
Sa umpisa pa lang, malinaw na tinutuligsa namin ang panghihimasok
at pambu-bully ng China sa Panatag Shoal at Kalayaan Islands. Sa
kasagsagan ng pambu-bully na ito, nag protesta kami sa Chinese Embassy.
Sa kongreso naman, may-akda ako ng dalawang (2) House Resolutions na
tumutuligsa sa panghahamon ng China. Nagsasampa rin kami ng kaso
para ipawalang-bisa ang Joint Marine China-Philippines-Vietnam Joint
Marine Seismic Undertakings (JMSU) agreement dahil ito ay labag sa
konstitusyon at mapanlamang sa atin.
(HR 1420 – Investigation on incursions of China in the West
Philippine Sea, HR 2330 – Assailing CHina for its incursions into
Philippine Territory in relation to poaching of endangered species in
Panatag Shoal, Statement: Investigate China incursions, junk JMSU, uphold 2002 Declaration on Conduct of Parties in the South China Sea)
Kasabay ng ating oposisyon sa mga aksyong ito ng China,
kinukundena natin ang gobyerno ng US sa paggamit ng isyung ito para
itulak ang kanilang adyendang militar at pulitika sa rehiyon. Naniniwala
kami na ang usaping ito sa pagitan ng China ay nararapat na resolbahin
sa pamamagitan ng diplomasya at hindi sa pamamagitan ng digmaan, o
alinmang klase ng karahasan o panghihimasok ng isa pang makapangyarihang
bansa.
Q: Bakit lagi ninyong tinutuligsa ang
gobyerno? Bakit laging ang negatibo ang inyong napupuna? Bakit hindi
ninyo bigyan pansin ang mga mabubuting bagay na nagawa ng gobyerno?Teddy: Bilang representante ng mga mahihirap, responsibilidad ko na ilantad at labanan ang alinmang tangka o aksyon, kasama ang mga polisiya ng gobyerno na naglalagay sa peligro ng interes ng mamamayan. Sa aking mga hakbang para labanan ang korapsyon, pang aabuso ng gobyerno, kawalan ng kakayahan, inhustisyang panlipunan at paglabag sa karapatang pantao, kailangan kong maturol kung ano ang mga mali para alam natin kung papaano natin ito maitatama.
Kasabay nito, sinisiguro ko na makapagbigay ng karampatang
solusyon sa mga nabatid na mga suliranin. Ang aming pangunahing layunin
ay makapagbigay ng alternatibong solusyon na pakikinabangan ng
mamamayan. Oo naman, nakikipagtulungan rin tayo sa mga ahensya ng
gobyerno para mabigyan ng solusyon ang hinanaing ng ating mga kababayan.
Matagal na rin po tayong nakikipagtulungan at nagpapasalamat sa ating
mga katuwang na ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan.
Q: Sabi ng iba, puro lamang kayo
satsat at ang kaya niyo lang gawin ay magrali. Ano po ba ang mga bagay
na nagawa niyo na at ng Bayan Muna para tulungan ang ating mga
kababayan?Teddy: Ang karapatan sa malayang pagpapahayag at pagtitipon-tipon ay tampok sa alinmang demokrasya. Dahil dito, naipapahayag natin ang ating mga hinanaing at nanghahamon sa gobyerno para umaksyon para sa interes ng mamamayan. Walang mali rito at tinitingnan ko ito bilang obligasyon para magsalita at makilahok sa mga rali at demonstrasyon para isulong ang tama at mabuti.
Sa bahagi naman ng lehislatura, nakapag- akda na po tayo ng
apat (4) batas na pinakikinabangan ng mahihirap nating kababayan at ito
ay: ang Public Attorneys Act of 2007 (R.A. 9406), kung saan pinapalakas
nito ang PAO para sa mas malawak na libreng legal na serbisyo sa ating
hikahos na mga; ang Tax Relief Act of 2009 (R.A. 9504) na nagbibigay ng
eksempsyon sa mga kumikita lamang ng minimum wage mula sa witholding
taxes; ang Rent Control Act of 2009 (R.A. 9653) na nagtatalaga ng
hangganan sa upa para sa minimum wage earners; at ang Anti-Torture Act
of 2009 (R.A. 9745) na nagbibigay kaparusahan sa sinumang gumagawa ng
tortyur.
Maliban sa mga ito, nakapag-akda na rin po tayo 178
measures at nag co-author ng mahigit 376 pa. Ito po ang dahilan kung
bakita kasama po ako sa top 5 most prolific congressmen sa 15th
Congress. Ang aking mga panukalang hakbangin naglalayong bigyan pansin
ang mga isyung tulad ng presyo ng bilihin, kalusugan, edukasyon at
karapatang pantao.
Sa usapin naman ng proyekto, para sa kongresong ito, ang aking
opisina ay nakapaglaan ng P85 milyon para sa kalusugan sa mga porma ng
pondo sa ospital para mga hikahos nating mga kababayan, mga ambulansya,
health worker kits, health centers, water supply, mga pagsasanay at
medical missions. Halos 70 milyon naman ang inilaan para sa iskolarsyip,
pasilidad at mga gamit sa mga paaralan. Samantala, P55 milyon naman ay
inilaan sa serbisyong panlipunan para sa mga sangay ng lokal na
gobyerno, P13 milyon para sa proyektong pangkabuhayan, at P4.45 milyon
para sa proyektong pangkapaligiran.Q: Mahirap po ba talaga kayo? Di po pa kayo ay galing sa mayaman at may lupaing pamilya?
Teddy: Para sa kaalaman ng lahat, ako po ang pangatlo sa pinakamahirap na kongresista at meron lamang net worth na P232,000.00. Maaring hindi ako mahirap pero hindi po ako mayaman.
Galing ako sa pamilya ng mga propesyunal. Ang aking mga
lolo at lola ay mga public servant. Ang aking ama ay abogado, at ang
aking ina ay full time home maker. Lumaki ako sa isang typical na middle
class na pamilya.
Sa pamamagitan ng sikap, ang aking mga lolo at lola (sa
side ng aking ina) ay nakapagtamo ng ari-arian sa Aklan. Pero bilang
aktibista, wala po akong interes sa lupaing ito, at pinili ko ang
mamuhay ng simple at katamtamang buhay.
Dahil kalakhan sa aking buwanang sweldo ay napupunta sa
aking partido para sa iba’t-ibang programa na may kinalaman sa serbisyo
sa lipunan, kailangan kong unatin ang bawat piso para sa aking asawa at
mga anak na lahat ay nag-aaral.
Q: Ano ang palagay ninyo sa gobyerno ni P-Noy?Teddy: Ang gobyerno ni Aquino ay binubuo ng mga parehas na uri ng mga taong namumuno na sa bansa sa loob ng ilang dekada. Ang mga pangalan at mukha ay maaring nagbago, pero ang mga pansariling interes ay nanatili. Isipin niyo, ito rin ang mga pangalan na nakita na natin noon.
Kaya, hindi ako umaasa ng matinding pagbabago o reporma sa
ilalim ng gobyernong ito. Maaring may mga tanda na nakikita para sa
tuwid na daan, katulad ng ilang kasong isinasampa nila. Pero pansinin
natin na umabot na dalawang taon pero nananatiling pangarap pa rin ang
Freedom of Information Act.
Ang centerpiece economic program ng gobyerno ni Aquino- ang
condional cash transfer, public private partnerships, foreign-led
extractive mining, at ang pagbibigay diin sa business process
outsourcing at turismo- ay ganun din lamang, mga paulit ulit na programa
na ginawa na ng nakaraang administrasyon. Kaya ang mga mahihirap ay
nananatiling mahirap at ang bayan ay hindi umuunlad.
Q: Bakit ka namin dapat iboto para maging senador?Teddy: Dahil kailangan natin ng bagong boses at bagong kinatawan sa Senado.