Sunday, September 30, 2012

Imposing libel on ordinary conversations...

Isang malaking manipestasyon kung papaano tayo tinatanggalan ng pamahalaan ng kalayaan sa malayang pamamahayag at malayang palitan ng talakayan sa mundo ng social network.

Kamakailan, hindi naging madali sa ating mga lider na ipasama bilang batas ang Cybercrime Prevention Act of 2012. Tahasan nga nitong sisikilin ang karapatan ng bawat mamamayan ng bansa na maging kritiko ng pamahalaan. Patuloy ang pag-iingay ng isyu na ito hanggat hindi gumagawa ng paraan ating gobyerno sa pagpapabasura ng batsa.

Marami na nganag progresibong grupo ang patuloy sa pagkondena para sa batas. Hindi man lang ito dumaan sa maayos na dabate sa kamara kahit sa senado. Kasama na dito ang Kabataan Partylist na walang sawang nagpapakita ng kanilang interest upang pangalagaan ang kalayaan ng bawat isa.

Masasabi nating ang batas na ito counter part lamang ng SOPA o Stop Online Piracy Act ng Estado Unidos. Makikitang naka-pattern lamang ang batas sa mga panukalang batas sa Imperyalistang bansa ng EU na pangunahing magkakaroon ng ganansya sa kanilang sariling interest.

Sunday, September 16, 2012

Cybercrime Law, bawal na ba kong mag "status" na share lang?


Cybercrime law, Protektor ng mga inuusig ng netizens!

Kamakailan, ganap na ngang pinirmahan ni Aquino ang panibagong batas na patuloy na kikitil sa “Online Freedom of Information and Access to disseminate Information,” ang REPUBLIC ACT NO. (RA) 10175 o ang CYBERCRIME PREVENTION ACT OF 2012.
Matapos ang mahabang debate sa senado at kamara, kasama ang kabi-kabilang batikos sa mga pulitiko, negosyante at institusyon sa bansa na patuloy ang paglaganap sa internet, paglabag sa karapatan ng kabataan at kababaihan na kumakalat sa online, agad na ipinasa ng kamara, senado at ni Noynoy ang CYBERCRIME LAW o SENATE BILL NO. 2796 /HOUSE BILL NO. 5808 na naglalayong panagutin ang mga nagsasagawa ng cybersex, child pornography, identity theft, online libel at iba pa.

Naging malinaw ang batas na ito ay makapagbibigay ng sapat na proteksyon sa kahit sinong makakaranas ng deskriminasyon sa mga social networking site.  Makabubuti ang batas sa esensyang pangangalagaan nito ang kapakanan ng kabataan at kababaihang nasasadlak sa kahihiyan dulot ng mga scandal at iba pang uri ng malisyosong imahe, video o pahayag na umaatake sa kanilang senswal na katangian, pinagmulan o buhay. Ngunit ito ay naging dagdag (redundancy) na batas lamang sa REPUBLIC ACT NO. 9775 na “AN ACT OF DEFINING THE CRIME OF CHILD PORNOGRAPHY or “ANTI-CHILD PORNOGRAPHY ACT OF 2009.
Access to disseminate information, denied
Saklaw ng batas na ito ang online libel na labag sa karapatan para sa malayang pamamahag ng mamamayan at peryodista. Tahasan nitong susupilin ang karapatan na bawat isa na magkaroon ng malayang talakayan sa mga social networking sites. Sa madaling salita, pinipigilan ng Cybercrime Law ang “Online Freedom of Information and Access to disseminate Information.” Susupilin nito ang karapatan ng malayang palitan ng opinyon ng mga social networking site subscribers. Patuloy itong magiging hadlang sa mga balitang dapat nalalaman ng mga mamamayan.

Libel, punishable act
Nakasaad sa bagong batas na ito na makakasuhan ng libel case ang kahit sinomang hindi sumunod sa lahat ng naihayag sa CyberCrime Law. Ngunit malinaw ang nakasaad sa United Nations Human Rights Committee  “that the provisions of the Philippines’ Revised Penal Code (RPC) penalizing libel as a criminal offense is incompatible with Article 19, paragraph three of the International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR)” kung saan ang Pilipinas ang isa sa mga signatory. Nangangailangan ng matinding pagkilatis sa Libel Decriminalization sa bansa, nakasaad sa Revised Penal Code (RPC) ng bansa na libel is punishable with imprisonment. Masasabi lamang na ito ay isang uri ng istratehiya ng kasalukuyang rehimen upang patahimikan ang mga kritikong peryodista at progresibong organisasyon na patuloy sa pagkondena sa mga panukalang programa ni Aquino.
Suppression
Mas mawawalan ng kalayaan ang mga alternative press matapos itong maisabatas. Isa itong porma ng suppression sa mga manunulat at peryodista upang tigilan ang pagsusulat ng mga progresibong artikulo. Paurong ang ginawang pagsama sa “online libel” sa nasabing batas sa hangaring i-decriminalize ang libel. Sinubukang harangin ni Kabataan Party list Representative Raymond Palatino ang pagsasama sa online libel sa kabuuang batas noong nasa deliberasyon palamang ito ng kongreso, ngunit sadyang mas matibay at may pinagtatakpan nga ang mga nagpapanukala ng batas sa bansa kaya ito hindi naharang.
Isa nanamang batas ang matagumpay na ipinasa ni Aquino upang patuloy na maging madulas ang mga kampanya at programa ng kanyang administrasyon na maglilingkod sa mga dayuhan at sa iilang uri. Mas magiging madali sa rehimeng Aquino na isadlak sa mga platapormang kikitil sa ating kalayaan.

Sunday, September 9, 2012

Aleli


ni Paul Corpuz Belisario


Sa sulok ng plaza,
sa tabi ng punong saresa,
sa likod ng mga sako –
naaamoy ang kati
sa kasariwaan ng ani,
sa bilad ng palay sa kainitan,
sa pagkalatag ng mga butil sa lansangan,
sa ilalim ng alas tres na ulap,
sa gilid ng kalsada,
sa mga pulbos ng alikabok –
nagliliparan sa’ting habulan,
sa pagbugaw ng mga manok
at paghikab ng aso,
sa bawat munggo ng pawis,
sa saplot na babad ang likod,
sa paghangos mula sa takbuhan,
sa pagtatago, paghahanapan,
at pagsisilipan,
sa pagitan ng malalim na hingal,
sa bubot kong mga mata,
sa manipis kong dibdib,
sa kasariwaan ng kasibulan
ng nagbabadyang mga kalamnan,
anong pagnanasa ko noong
mataya mo ako.
Sa pagtunton ko sa daan paluwas,
sa pagsisimula ng pagsisibuyas –
ikaw ang bunso ng mga manananim,
sa pagsisid ko sa mga libro,
sa pagbubunot mo ng damo,
sa busina ng mga jeep,
sa ugong ng traktora,
sa putikang mga pilapil at sangka,
sa sementadong mga kalsada –
lamig ng gusaling naglipana,
sa gaserang naghihingalo,
sa hindi natutulog na bumbilya,
sa tilaok ng tandang,
sa pag-ahon mo ng madaling araw,
sa liyab ng araw,
sa bigat ng araro,
sa naghihintay na mga pitak –
pagod na hindi masukat-sukat,
sa paglubog ng maghapon,
sa pag-uwi sa pamilyang gutom –
sa hapunang tubig at asin,
sa paglipas ng bawat anihan,
sa pagbibihis ng mga palayan,
sa pitik ng panahon –
bulag tayong dinaanan ng mga taon.
Sa tanaw ng mga bundok,
sa mga nilalanguyang ilog –
natunton ko ang daan pauwi,
sa ilalim ng binigkis na mga kogon,
sa pagitan ng mga sawaling nilala,
sa ibabaw ng latag ng buhong kawayan,
sa bukid na kinagisnan,
sa asawang doo’y kasama,
sa walong anak,
sa panganay mong sasampu,
sa libro, papel, pangkulay, pambura
at kahit lapis na di nila nakilala,
sa maagang paghawak ng lingkaw –
noon di’y nahinog sila sa sakahan,
sa lahat ng lumipas na mga anihan,
sa pagdaan muli ng mga patanim,
sa hindi napapatag na mga daan,
sa gaserang madalas bulag,
sa mahal na gaas na igagatong,
sa nabaluktot mo nang likod,
sa ilalim ng balat na sunog –
may kabataang pinagsaluhan.
Ngayo’y nakikipagtaguan
ang ginhawa –
malaon kang taya, balagong na yata.

Friday, September 7, 2012

Then, we must be like this

ni Jian Carlo R. Gomez

Several years have passed, we still look forward to thresholds our mind set in what makes a hero really means nowadays. When someone says the hero, typically we ask ourselves what we should admire for in his noble achievements and qualities. He is someone devoted and extremely imposes his immense amount of capacity in serving his society while ensuring the well being of fellows. There is just one name compromise in our culture that was given his whole life for the inheritance of freedom and independence of his kababayan, no other than Jose Rizal.

Rizal leaves a momentous legacy in our nation which we still are experiencing even today. A heroism blood wrote its own historical movement that firmly resolves the virtue and reason for what is fighting in the sense of struggling against society and the vein of activism that continuously marched towards the status quo of survival generation. But today, several Filipinos do believe that being a hero needs to be the self sacrificing person just to deliberate his loyalty for the innovation of the nation’s future.  Thus it's really the basis of serving our country in act of heroism to offer one’s body and blood just to change the system of play here in our society? It is just an act of barbarism and martyrs, being a hero does not require leaving his existence to cover up the catalyst we’re experiencing and to conquer death, disease and war.

With the increased amount of awareness of these modern day heroes many people are inspired to become heroes themselves. Being a war fighter comes in multitude acts of hardships and consequences. They act as a model for the next generation of its own kind to ensure the capability of labeling as being a courageous figure in society. Heroes are not selfless leaders who follow the call of the needs; he didn’t put the life of others before his own.

Many people want to gain this qualification and characteristics to be like them too. But we should remember this; a hero is unique on his own guts, and of course, many people have already inner qualities that are possessed by these so called heroes. And sometimes, it requires of self crossing life which is you need to leave everything that you have before just to maintain and achieve your prime purpose in life; to serve for human involvement, to save your land from the colonizer and even alien cultivator and to give your life for your own country which need your comfort for an accomplishment which not be found in the book pages but instead to the heart of your fellows that will last until the next race of people who will strive hard just to take the query inside and out of the battle field.

It’s not about honor and excellence. It’s not about leaving a name in the history and stretches your work to flourish your name in the future. It’s about how you conquer the alien without anticipation and appreciation from your fellow because you will know that even you didn’t do that, a small space will occupy their hearts just to remember what you’ve done for the betterment of your salvation.

Bulan

ni Jian Carlo R. Gomez

Isa kang likha
Isa kang biyaya
Isa kang malaking piso
Isa kang malaking tipak ng keso

Isa kang ilaw
sa pundido kong tahanan
Isa kang pangarap
sa mga katulad kong hibang
Isa kang bantay
sa mga musmos sa lansangan
Isa kang mata sa mga bulag na sumpa
Isa kang tanglaw
sa mga iniligaw

Unti-unti'y kinukumutan ka ng mga ulap
Huwag kang magtago
Huwag kang umilap
Hinintay ko ang ika-dalawampu't anim ng Pebrero

Sa pagitan ng mga bundok
sa parang
sa bukid
sa dagat
sa paglubog ng araw
na nakatitig sa silangan

Dito lang pala kita muling makikita
Sa himlayang tahimik ng iyong ama at ina
Hihiramin kita panandalian
Maaari mo bang lisanin ang kalangitan
At lalong padilimin ang kalupaan?
Gusto kong namnamin ang pinagsamang alat
At tamis ng iyong katawan
Sa pagitan ng uwang sa kabundukan
Sa isang gabi, sandali lamang naman
Mapagbibigyan mo ba ang aking kahilingan?
Ako at Ikaw


Hihintayin kita
Aking Bula


*Unang inilimbag sa KALas (Opisyal na literary folio ng KALasag, Kolehiyo ng Arte at Literatura., Unibersidad ng Pilipinas Diliman)

Wednesday, September 5, 2012

May sapi ka. May sapi tayo

ni Jian Carlo R. Gomez


Ang pagka Filipino ay isang karanasan- Propesor Prospero Covar

Lagi’t lagi na lamang tayong binubulag sa sistema ng edukasyong tumatakip sa bawat unibersidad sa ating bansa na kada sasapit ang buwan ng Agosto ay dapat nating ipag diwang ang buwan ng wika. Sa pamumuhay ng mga Pilipinong nasa syudad, kolonyal na isipan ang nakabalot sa bawat manggang pinilit hinugin sa karburo. Pilit inaakma ang bawat kulturang hindi kusang umusbong sa sariling lupa ng bayan. Kapag naka pag-Ingles ka, matalino ka-Edukado. Pag gumamit ng wikang Filipino-Bobo, Tanga. Ito ang kulturang binubuo ng kulturang nakaka-angat sa lipunang mapaglaro. Silang mga dominante ang istandard kung papaano tayo kikilos bilang isang Pilipino. Silang nasa tuktok ng tatsulok ang nagdidikta na kultura at wika na dapat nating linangin at pangibabawin. Kaalinsabay nito kung papaano sinisira ng kulturang kanluranin ang pundasyon ng ating sariling kasarinlan. Kahit mismo tayo ay nagiging bakod kung papaano nito hinahati ang bawat wika dito sa Pilipinas.

Nililikha ito ng edukasyong kolonyal matapos tayo paasahin ng kanluraning edukasyon na ito ang magpapalaya sa ating kamalayan at kinabukasan ngunit isang malaking kabalintunaan ang nangyayari dahil hanggang ngayon ay alipin parin tayo sa ekonomiya, pulitika at kultura. Ang ating mapaglarong lipunan ay mistulang anak ng kanluran ngunit hayag naman sa atin na tayo ay tubong silangan.

Kung wikang Ingles nga ang mapagpalayang wika, sana matagal na tayong nagbubungkal sa sarili nating lupa.
English Speaking Policy. Madalas nating mabasa sa mga Unibersidad at sa mga gusaling gobyernong ahensya. Sinasabing dapat mas gamitin ang wikang Ingles kaysa sa wikang Filipino. Kung susumahin, ito ay isang paglilimita sa paggamit ng wikang Filipino sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan at pagpapahina o unting pagpatay sa wikang dapat pagyamanin. Isa itong malaking pagsalungat sa Saligang Batas ng 1987 na dapat ang wikang Filipino ay linangin at payabungin ang paggamit sa iba’t ibang disiplina at larangan.
Maituturing ngang “ikalawang wika” ang Ingles at Filipino bilang pambansang wika na dapat bigkasin sa sa lahat ng uri ng talakayan bilang “unang wika”. Sa kalagayan, ang Filipino ay hindi dapat ihanay upang ipagbawal sa mga opisyal na pulong, kongreso, transaksyon o komunikasyon sa mga paaralan, pamahalaan at maging sa mga pribadong sektor.


Ito daw ang susi sa Globalisasyon. Sabagay, tama ang mga aktibista, hindi tayo dadaan sa proseso ng globalisasyon kung hindi nagpapakain ang ating sariling estado sa imperyalistang bansa. Aminin man natin o hindi, mahirap itago na tayo ay kolonyal ng bansang Estados Unidos (EU). Tama sila na matagal na tayong niloloko ng mga lider na ating hinalal. Dahilan na rin siguro kung bakit nagiging dominante ang kulturang kanluranin.

“Imperialism teach us to think like a white, talk like a white and feel like a white.” Sa mahabang panahon, nakapako tayo sa kulturang hiram. Sa kalinangang hindi sa atin, kung hindi sa kalinangang nakaw. May sapi tayo. May sapi ang bawat Pilipino.

Tinatakluban tayo ng mga kaisipan at imaheng bumabalot sa ating mahabang kasaysayan. Sinasabing matagal na tayong binigyang laya. Matagal na daw tayong pinalaya. Hindi bulag ang bawat dilis para magpakain sa pusit. Malaya nga ba ang mga Pilipino? Gayong hindi naman tayo nakakatikim ng tunay na kasarinlan.

Masasabi natin na hanggang ngayon ay hindi parin natin napagwawagian ang sarili nating kasarinlan sa pulso na hindi natin kayang maitayo ng buo ang ating sariling wika at mas kinakain pa natin ang wikang hinain ng mga mananakop na kanluranin.

Parang damit lamang ang pagpalit natin sa wikang Filipino at pag gamit ng wikang English.