Showing posts with label Like. Show all posts
Showing posts with label Like. Show all posts

Friday, November 16, 2012

Si #AMALAYER Sa Mundo ng SHARE, LIKE at POST

Naging maingay ng halos tatlong araw (at maingay parin ngayon, naririnig ko ang kulitan ng mga kolektib ko, #AMALAYER!) si Paula Salvosa matapos nitong ipahiya o sa mas malala ay tinanggalan ng hiya ang mala-manggagawang lady guard sa line 2 ng LRT station. Kung magkakaroon lamang tayo ng award para sa mga unconditional acting malamang sa mga dapat ay baka si Salvosa na ang panalo. On the spot ang performance ni ate (check na agad ang 50% ng natural acting) at syempre, benta sya sa viewers.

Hindi naman malalagay sa alanganin ang kahihiyan ni Salvosa kung hindi naging viral ang kanyang video, pero pano nga ba ito kumalat?

Nagsimula lang naman sa simpleng upload sa isang social networking site na in-demand na gamitin ng mga Filipino, pero for real tayo ang pinaka madaming at active user nito sa buong mundo.

Sa simpleng repost at share ng mga bagay na pinost ni crush o shineyr ni ex ay makikigaya na tayo (aminin). Nanigurado ba tayo kung ano ang nasa likod ng bawat picture na ating nire-repost o mga link na ating pino-post? Masasagot ng ilan na oo. Sigurado sila. Pero ang iba? Masyadong malawak at malaman ang mga social networking site para lamanan pa ng matatabang kaisipa ng mga Filipino. Aminin man natin o hindi, masakit kung sakaling tayo ang mabuli sa Facebook. Hindi madaling makalimot. Ala-ala ang  isang bagay na hindi kayang makalimutan. 

Dito na nga lang ba nagtatapos ang gawain ng teknolohiya sa atin? Masasabing oo, masasabong hindi. Nilalamon na tayo ng kulturang tama ang manghusga. Tama ang gumawa ng mali dahil gumagawa naman ng mali ang pamahalaan. Tamang tama nga ang ating pagkakamali (at sinabi kong tayo dahil aminado ako, MALAKI rin ang pagkakamalaki ko). 

Mas nabibigyan pa natin ng atensyon ang tanggal dangal na usapan sa facebook kaysa i-share natin ang balitang nagsasabing "dre! MRT at LRT fare hike na daw!". Bakit nga ba mas trending pa ang ganitong isyu sa mga Filipino? Alam kong alam mo ang kasagutan, hindi ko na kailangan pang sabihin at alam kong kaya mong sagutin. Ang tanong, bakit hindi mo/natin sinasa-praktika? 'Yan ang hindi ko sigurado ang kasagutan. Mas makakabuting alamin at kilalanin natin ang mga bagay na nag-aamabg kung bakit tayo tumuturol sa ganitong gawain.

Tama si Bob Ong, nakakalungkot (lungkot na hindi kayang tumbasan ng kahit ano) ang nagiging imahe ng Filipino. Hindi pa man din patay ang katawang lupa ni Salvosa ay inililibing na natin siya sa kahihiyan. Panghabang-buhay, kahit i-delete mo 'yan. Mananatili at mananatili parin ang bawat piraso ng ala-ala. Hindi natin kayang itago. Nakakasakit na tayo minsan sa bawat SHARE, LIKE at POST, may mga taong pinipili na lamang magkubli sa isang sulok at manahimik. 


File, deleted.