Tuesday, November 13, 2012

10 Tanong Para Kay Teddy Casino

Q. Kayo ba ay komunista?
Q. Kung hindi kayo komunista, bakit hindi ninyo tinutuligsa ang CPP-NPA-NDF?
Q: Bakit masyado ninyong binibigyan ng pansin ang mga paglabag sa karapatang pantao ng pwersa ng gobyerno?
Q: Totoo po ba na ang inyong ‘Pork barrel’ ay ginagamit upang pondohan ang NPA?
Q: Ang Bayan Muna po ba ay pinopondohan ng China? Bakit hindi ninyo tinutuligsa ang panghihimasok ng China sa Philippine shores?
Q: Bakit lagi ninyong tinutuligsa ang gobyerno? Bakit laging ang negatibo ang inyong napupuna? Bakit hindi ninyo bigyan pansin ang mga mabubuting bagay na nagawa ng gobyerno?
Q: Sabi ng iba, puro lamang kayo satsat at ang kaya niyo lang gawin ay magrali. Ano po ba ang mga bagay na nagawa niyo na at ng Bayan Muna para tulungan ang ating mga kababayan?
Q: Mahirap po ba talaga kayo? Di po pa kayo ay galing sa mayaman at may lupaing pamilya?
Q: Ano ang palagay ninyo sa gobyerno ni P-Noy?
Q: Bakit ka namin dapat iboto bilang senador?
—————————————————————————
Q. Kayo ba ay komunista?
Teddy: Hindi po ako komunista. Hindi ako bahagi ng armadong pakikibaka at hindi ko rin ito itinataguyod.
Ako po ay aktibista, makabayan at nagnanais ng pambansang kalayaan. Noong ako ay estudyante pa lamang, aktibo na akong nakikilahok sa iba’t-ibang hakbang sa pagsugpo sa ugat ng armadong tunggalian- kahirapan, pagsasamantala, opresyon, sistematikong korapsyon, bigong sistemang- hustisya at pangkalahatang kakulangan ng oportunidad at tunay na pag-unlad ng ating bansa.
Hanggang sa ngayon, pinili kong sumuong sa sistemang pampulitika ng bansa upang  itulak ang matinding pangangailangang reporma sa lipunan, ekonomiya at pulitika sa lahat ng antas- mula sa mga lokal na komunidad hanggang sa Kongreso.
Q. Kung hindi kayo komunista, bakit hindi ninyo tinutuligsa ang CPP-NPA-NDF?
Teddy: Kahit hindi ko itinataguyod ang armadong pakikibaka, kinikilala ko na ang tunggalian na nagmumula sa matagal nang hinaing ng mamamayan ay hindi maayos na nabibigyan ng seryosong solusyon ng mga nagdaan at kasalukuyang pamahalaan. Ang simpleng pagkondena sa CPP-NPA-NDF bilang kriminal at terorista ay katumbas ng pagsawalang-kibo sa rebolusyonaryong katangian ng ng nasabing kilusan at pagsawalang-bahala sa mga lehitimo nilang kahililingan.
Mas pipiliin ko ang mas konstruktibong diyalogo, lalo na ang negosasyong pangkapayapaan, na sa kabila ng mga kahinaan nito, nananatiling natatanging paraan para mapayapang resolbahin ang armadong tunggalian.
Hinggil naman sa sinasabi nilang kalupitan, ang CPP-NPA-NDF ay nangangakong sumunod sa international human rights humanitarian law standards at conventions. At kung meron mang napatunayang mga paglabag dito, sila ay may pananagutan at hihilingin ko ang nauukol na pagwawasto mula sa kanila.
Q: Bakit masyado ninyong binibigyan ng pansin ang mga paglabag sa karapatang pantao ng pwersa ng gobyerno?
Teddy: Batay sa ulat ng human rights groups, ang militar at pulisya ang may malawakang paglabag sa karapatang-pantao.
Ayon sa Committee to Protect Journalists (CPJ), isang New York based media watchdog, 71% sa mga pinaghihinalaang “source of fire” sa mga kasong pamamaslang sa mga mamamahayag ay mga opisyales ng gobyerno o kaya ay mga elemento ng estado. Ang mga biktima ay kilala ding may ginagawang imbestigasyon o kaya ay kritiko ng mga opisyal na sangkot sa mga kasong korapsyon sa kanilang mga lokalidad. Batay naman sa ulat ng Human Rights Watch, itinuturo nitong may malakas na ebidensya ng pakikisangkot ng militar sa mga kasong pamamaslang, dagdag pa ang pagkabigo ng gobyerno na isakdal ang mga suspek. Sa ilalim ng gobyerno ni Aquino, naitala ng human rights group Karapatan ang 99 na kasong extrajudicial killings, 216 kaso ng illegal na pag-aresto at 67 kaso ng torture.
Kapag may paglabag sa batas ang mga sinasabing mga rebelde at kriminal, ang buong makinarya ng estado ay may kakayahang maghabol sa mga ito, pero kapag ang mga opisyal ng gobyerno, militar at pulisya ang ang sangkot sa krimen, ang kanilang mga biktima ay walang matatakbuhan. Kaya naka pokus kami sa mga mandarahas na hindi naiimbestigahan, hindi nasasakdal at hindi napaparusahan sa mga nagawang pagmamalabis. Iyan naman po ay aming tungkulin bilang representante ng mga mahihirap.
Q: Totoo po ba na ang inyong ‘Pork barrel’ ay ginagamit upang pondohan ang NPA?
Teddy: Hindi po. Sinisiguro po namin sa mamamayan na ang PDAF allocation ng Bayan Muna ay nagagamit para sa benepisyo ng sambayanan sa porma ng sebisyong pangkalusugan, iskolarsyip, socio-civic projects tulad ng pagpapailaw at pagpapatubig sa mga baryo at pagpapatayo ng mga pasilidad para sa serbisyong panlipunan.
Para naman sa kaalaman ng lahat, ang Priority Development Assisstance Funds (PDAF) ay deretsong napupunta sa proyekto ng gobyerno na ipinapatupad ng iba’t-ibang ahensya ng lokal na sangay ng gobyerno. Sinusunod po naming maiigi ang lahat ng government disbursement and accounting procedures, kasabay ng pakikipagtulungan sa mga NGO’s at mga organisasyon ng mamamayan para masigurado na ang nasabing pondo ay nailalaan ng tama at natutuos ng mabuti. Wala kahit na isang kaso ng korapsyon na kinasangkutan ang mga proyekto ng Bayan Muna.
Maari ninyong tingnan sa DBM website ang thorough accounting ng aming PDAF at kung saan ito ginagastos (http://reports.dbm.gov.ph/pdaf.php).
Q: Ang Bayan Muna po ba ay pinopondohan ng China? Bakit hindi ninyo tinutuligsa ang panghihimasok ng China sa Philippine shores?
Teddy: Wala kahit isang kusing na natatanggap ang Bayan Muna mula sa China o alinmang bansa o grupo.
Sa umpisa pa lang, malinaw na tinutuligsa namin ang panghihimasok at pambu-bully ng China sa Panatag Shoal at Kalayaan Islands. Sa kasagsagan ng pambu-bully na ito, nag protesta kami sa Chinese Embassy. Sa kongreso naman, may-akda ako ng dalawang (2) House Resolutions na tumutuligsa sa panghahamon ng China. Nagsasampa rin kami ng kaso para ipawalang-bisa ang Joint Marine China-Philippines-Vietnam Joint Marine Seismic Undertakings (JMSU) agreement dahil ito ay labag sa konstitusyon at mapanlamang sa atin.
(HR 1420 – Investigation on incursions of China in the West Philippine Sea, HR 2330 – Assailing CHina for its incursions into Philippine Territory in relation to poaching of endangered species in Panatag Shoal, Statement: Investigate China incursions, junk JMSU, uphold 2002 Declaration on Conduct of Parties in the South China Sea)
Kasabay ng ating oposisyon sa mga aksyong ito ng China, kinukundena natin ang gobyerno ng US sa paggamit ng isyung ito para itulak ang kanilang adyendang militar at pulitika sa rehiyon. Naniniwala kami na ang usaping ito sa pagitan ng China ay nararapat na resolbahin sa pamamagitan ng diplomasya at hindi sa pamamagitan ng digmaan, o alinmang klase ng karahasan o panghihimasok ng isa pang makapangyarihang bansa.
Q: Bakit lagi ninyong tinutuligsa ang gobyerno? Bakit laging ang negatibo ang inyong napupuna? Bakit hindi ninyo bigyan pansin ang mga mabubuting bagay na nagawa ng gobyerno?
Teddy: Bilang representante ng mga mahihirap, responsibilidad ko na ilantad at labanan ang alinmang tangka o aksyon, kasama ang mga polisiya ng gobyerno na naglalagay sa peligro ng interes ng mamamayan. Sa aking mga hakbang para labanan ang korapsyon, pang aabuso ng gobyerno, kawalan ng kakayahan, inhustisyang panlipunan at paglabag sa karapatang pantao, kailangan kong maturol kung ano ang mga mali para alam natin kung papaano natin ito maitatama.
Kasabay nito, sinisiguro ko na makapagbigay ng karampatang solusyon sa mga nabatid na mga suliranin. Ang aming pangunahing layunin ay makapagbigay ng alternatibong solusyon na pakikinabangan ng mamamayan. Oo naman, nakikipagtulungan rin tayo sa mga ahensya ng gobyerno para mabigyan ng solusyon ang hinanaing ng ating mga kababayan. Matagal na rin po tayong nakikipagtulungan at nagpapasalamat sa ating mga katuwang na ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan.
Q: Sabi ng iba, puro lamang kayo satsat at ang kaya niyo lang gawin ay magrali. Ano po ba ang mga bagay na nagawa niyo na at ng Bayan Muna para tulungan ang ating mga kababayan?
Teddy: Ang karapatan sa malayang pagpapahayag at pagtitipon-tipon ay tampok sa alinmang demokrasya. Dahil dito, naipapahayag natin ang ating mga hinanaing at nanghahamon sa gobyerno para umaksyon para sa interes ng mamamayan. Walang mali rito at tinitingnan ko ito bilang obligasyon para magsalita at makilahok sa mga rali at demonstrasyon para isulong ang tama at mabuti.
Sa bahagi naman ng lehislatura, nakapag- akda na po tayo ng apat (4) batas na pinakikinabangan ng mahihirap nating kababayan at ito ay: ang Public Attorneys Act of 2007 (R.A. 9406), kung saan pinapalakas nito ang PAO para sa mas malawak na libreng legal na serbisyo sa ating hikahos na mga; ang Tax Relief Act of 2009 (R.A. 9504) na nagbibigay ng eksempsyon sa mga kumikita lamang ng minimum wage mula sa witholding taxes; ang Rent Control Act of 2009 (R.A. 9653) na nagtatalaga ng hangganan sa upa para sa minimum wage earners; at ang Anti-Torture Act of 2009 (R.A. 9745) na nagbibigay kaparusahan sa sinumang gumagawa ng tortyur.
Maliban sa mga ito, nakapag-akda na rin po tayo 178 measures at nag co-author ng mahigit 376 pa. Ito po ang dahilan kung bakita kasama po ako sa top 5 most prolific congressmen sa 15th Congress. Ang aking mga panukalang hakbangin naglalayong bigyan pansin ang mga isyung tulad ng presyo ng bilihin, kalusugan, edukasyon at karapatang pantao.
Sa usapin naman ng proyekto, para sa kongresong ito, ang aking opisina ay nakapaglaan ng P85 milyon para sa kalusugan sa mga porma ng pondo sa ospital para mga hikahos nating mga kababayan, mga ambulansya, health worker kits, health centers, water supply, mga pagsasanay at medical missions. Halos 70 milyon naman ang inilaan para sa iskolarsyip, pasilidad at mga gamit sa mga paaralan. Samantala, P55 milyon naman ay inilaan sa serbisyong panlipunan para sa mga sangay ng lokal na gobyerno, P13 milyon para sa proyektong pangkabuhayan, at P4.45 milyon para sa proyektong pangkapaligiran.
Q: Mahirap po ba talaga kayo? Di po pa kayo ay galing sa mayaman at may lupaing pamilya?
Teddy: Para sa kaalaman ng lahat, ako po ang pangatlo sa pinakamahirap na kongresista at meron lamang net worth na P232,000.00. Maaring hindi ako mahirap pero hindi po ako mayaman.
Galing ako sa pamilya ng mga propesyunal. Ang aking mga lolo at lola ay mga public servant. Ang aking ama ay abogado, at ang aking ina ay full time home maker. Lumaki ako sa isang typical na middle class na pamilya.
Sa pamamagitan ng sikap, ang aking mga lolo at lola (sa side ng aking ina) ay nakapagtamo ng ari-arian sa Aklan. Pero bilang aktibista, wala po akong interes sa lupaing ito, at pinili ko ang mamuhay ng simple at katamtamang buhay.
Dahil kalakhan sa aking buwanang sweldo ay napupunta sa aking partido para sa iba’t-ibang programa na may kinalaman sa serbisyo sa lipunan, kailangan kong unatin ang bawat piso para sa aking asawa at mga anak na lahat ay nag-aaral.
Q: Ano ang palagay ninyo sa gobyerno ni P-Noy?
Teddy: Ang gobyerno ni Aquino ay binubuo ng mga parehas na uri ng mga taong namumuno na sa bansa sa loob ng ilang dekada. Ang mga pangalan at mukha ay maaring nagbago, pero ang mga pansariling interes ay nanatili. Isipin niyo, ito rin ang mga pangalan na nakita na natin noon.
Kaya, hindi ako umaasa ng matinding pagbabago o reporma sa ilalim ng gobyernong ito.  Maaring may mga tanda na nakikita para sa tuwid na daan, katulad ng ilang kasong isinasampa nila. Pero pansinin natin na umabot na dalawang taon pero nananatiling pangarap pa rin ang Freedom of Information Act.
Ang centerpiece economic program ng gobyerno ni Aquino- ang condional cash transfer, public private partnerships, foreign-led extractive mining, at ang pagbibigay diin sa business process outsourcing at turismo- ay ganun din lamang, mga paulit ulit na programa na ginawa na ng nakaraang administrasyon. Kaya ang mga mahihirap ay nananatiling mahirap at ang bayan ay hindi umuunlad.
Q: Bakit ka namin dapat iboto para maging senador?
Teddy: Dahil kailangan natin ng bagong boses at bagong kinatawan sa Senado.
Ang Senado ay bihag ng iilang pamilya na nasa pulitika at interes nila sa ekonomiya, at namamayagpag ito ilang dekada na ang nakakalipas. Kailangan natin ng mga bagong lider na nakikipaglaban at kaisa ng mamamayan na nakikibaka para sa iisang hangarin na makamit ang mga reporma sa ekonomiya at lipunan. Lumalaban na hindi nakatali sa pagtataguyod ng korap na sistema sa pulitika. Repormista na hindi mabibili o bibigay para ikompromiso ang panawagan ng mamamayan para sa mabababang presyo ng langis at singil sa kuryente, seguridad sa trabaho at mataas na kita, mas mabuting pamamahala at iba pa.
Ito ang aking mga ginagawa sa loob ng 23 taon ng aking buhay- 15 taon sa pakikibakang masa sa lansangan at 8 taon sa kongreso- para sa narararapat na pagbabago sa lipunan na matagal na nating inaasam.
Panahon na para sa pagbabago sa Senado. Simulan natin, ngayon na!




Monday, November 12, 2012

Tit4Tat: SC Bans Live Coverage on Maguindanao Massacre Trial

Tit4Tat: SC Bans Live Coverage on Maguindanao Massacre Trial: Reference: Marc Lino J. Abila CEGP National Deputy Secretary – General The Supreme Court’s decision today on banning the live coverage of the Maguindanao Massacre trial is an utter disappointment...

The Supreme Court’s decision today on banning the live coverage of the Maguindanao Massacre trial is an utter disappointment to the Sereno-led high court on the part of the campus press.

The public has the right to know the latest proceedings in this case which involves multiple murder and violation of press freedom.

If the court has nothing to hide from the public eye, the Supreme Court should reconsider its ruling on limiting the access of the media in the court during trial. Transparency is most important in this trial. There can be no transparency if the court disallows live coverage.

Maguindanao Massacre is reaching its third year this November. The court should fulfill its duty to serve justice to the family of the victims and persecute those who perpetrated the slaughter of 57 individuals, including 34 media workers.

Tuesday, November 6, 2012

Isolated Boracay

Tapos na ang Trabaho
Bonuan, Dagupan City, Pangasinan 2012
Kuha ni Jian Carlo Ramos Gomez



Hindi nila alam kung pagkatapos na nito ay meron pa silang makakain. Hindi nila alam kung makakahuli pa sila ng isda o kung sa mas malala ay kung papayagan pa silang magtayo ng kani-kanilang fish cage sa ilog para pagkuhanan ng kabuhayan at makakain.

"Hindi namin alam kung papaano kami mabubuhay sa lugar na iyon. Hindi namin alam kung sa akin kami kukuha ng makakain. Walang kabuhayan ang relocation site na ibinigay sa amin ng city government" sabi ni Tatay Johny, lider ng mga maralitang mangingisda na nagsusulong ng kanilang karapatan sa lupang kanilang pagmamay-ari.

Hindi ko makakalimutan ng unang beses akong tumapak sa buhanginan ng Bonuan sa Dagupan City. Boracay kung tawagin nila ang kanilang lugar, oo maganda ang pangalan; pero isang malaking kabaligtaran ng realidad. Hindi 'to ang Boracay na gugustuhing puntahan ng mga sabik sa dagat at buhangin. Ito ang Boracay na pinagkaitan ng lipunan. Walang malinis ng tubig na maiinom. Hindi naaabot ng pa-ilaw ni Mayor. Ang daanan, hindi naiiba sa mga iskinita ng Maynila; masikip at malubak.

Si Tatay Johny ay biktima ng demolisyon kasama ang iba pang naninirahan sa kanayunan. Nakakapagtakang sa mayamang bayan ng Dagupan ay magkakaroon ng demolisyon. Ang buong akala ko dati ay sa magulong syudad lamang ng kamaynilaan nililimas ang kabahayan/kabuhayan ng maralita; At oo, nagkakamali ako.

Nagsimula daw ang demolisyon sa isinusulong na Eco-Tourism Project ng City Government ng Dagupan. Ito ay matapos buksan ni Mayor Lim ang kahabaan ng ilog Pantal sa isang programang tinawag nilang 'River Cruise'. Pinalinis at pinaalis ang lahat ng naninirahan sa gilid ng ilog upang magbigay daan sa sinasabing Tourist Destination. Pati ang kanilang mga hanapbuhay ay apektado sa nangyaring demolisyon. 

Makikitang mas inuna pa ang pagsusulong ng Turismo habang nagugutom naman ang mga mamamayan at mangingisdang primaryang naapektuhan ng programang turismo. Masasabi natin ngayon na hindi talaga maka-tao at maka-mamamayan ang isinusulong na interes ni Mayor Lim. 

Sabi nga nila Tatay Johny, bago pa man dumating ang proyketong 'yan sa bayan ng Dagupan, mas nauna ng lumilinang ng yaman ng ilog ang kanilang mga ninuno.

Hindi ko maiwasang maitanong kay tatay kung papaano ang buhay nila kung walang huling isda, mabilis naman ang sagot ni tatay; walang pag-aalinlangan, 'edi wala, walang pagkain kung walang huli'.

Isipin nyo na lamang na tabi mismo ng ilog ang kanilang tirahan, nandyan na ang kalikasan na maaaring pagkukuhanan ng makakain pero wala.

Makikita mo ang ngiti sa labi ng mga bata habang naglalaro sa buhanginan. Ngiting hindi nila alam kung bakit sila ngumingiti. Parang masaya, pero hindi natin alam kung may posibilidad ba o wala.

Sunday, September 30, 2012

Imposing libel on ordinary conversations...

Isang malaking manipestasyon kung papaano tayo tinatanggalan ng pamahalaan ng kalayaan sa malayang pamamahayag at malayang palitan ng talakayan sa mundo ng social network.

Kamakailan, hindi naging madali sa ating mga lider na ipasama bilang batas ang Cybercrime Prevention Act of 2012. Tahasan nga nitong sisikilin ang karapatan ng bawat mamamayan ng bansa na maging kritiko ng pamahalaan. Patuloy ang pag-iingay ng isyu na ito hanggat hindi gumagawa ng paraan ating gobyerno sa pagpapabasura ng batsa.

Marami na nganag progresibong grupo ang patuloy sa pagkondena para sa batas. Hindi man lang ito dumaan sa maayos na dabate sa kamara kahit sa senado. Kasama na dito ang Kabataan Partylist na walang sawang nagpapakita ng kanilang interest upang pangalagaan ang kalayaan ng bawat isa.

Masasabi nating ang batas na ito counter part lamang ng SOPA o Stop Online Piracy Act ng Estado Unidos. Makikitang naka-pattern lamang ang batas sa mga panukalang batas sa Imperyalistang bansa ng EU na pangunahing magkakaroon ng ganansya sa kanilang sariling interest.